Pinagsasaksak sa leeg nang matagpuan ang isang senior citizen 78 anyos na gwardya matapos umanong gilitan ng isang kapwa senior citizen rin sa Brgy. Kaong Silang, Cavite kamakalwa ng gabi.

Kinilala ng autoridad ang biktima na si Eugenio Barona Enrique, residente ng Sitio Ibayong Ilog sa Brgy. Kaong Silang, Cavite.

Isang senior citizen rin ang inaresto ng autoridad na nakaaway umano ng biktima at siyang kumatay dito na si Francis Reyes Natanauan, 67 anyos residente rin sa nasabing lugar.

Sa naging imbestigasyon ni Pat. Menervin M. Castillo, dakong alas 6 ng gabi nang matagpuang duguan ang katawan ng biktima na nakahandusay at tadtad umano ng saksak at halos wasak ang leeg nito.

Ayon sa ilang saksi, ang suspek umano ang huling kausap ng biktima kung saan nagtalo pa umano ang dalawa.

Nang arestuhin, umamin umano ang suspek na siya ang gumawa ng krimen. Hindi pa malinaw ang motibo sa ginawang pagpatay sa biktima.

Source: Proud CaviteƱo

šŸ“ø: iStock

#Cavithink

#SilangCavite