Isang lalaki ang napatay habang ang kanyang kasama ay sugatan sa atake ng mga lalaking sakay sa motorsiklo sa Trece Martires City, Cavite noong Sabado ng gabi.

Namatay si Joy Balonan habang ginagamot sa isang ospital ang kasama nitong si Benjamin Reyes dinala sa ibang ospital para ipaggamot ang tama ng bala sa binti nito.

Nag-iinuman sina Balonan at Reyes sa harap ng bahay ng biktima sa Brgy. Osorio nang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki.

Ayon sa imbestigador ng kaso na si S/Sgt. Bryan Comia, ang isa sa mga rider ay naglabas ng isang handgun at binaril sina Balonan at reyes nang maraming beses.

Susuriin nila ang kuha ng isang closed-circuit television camera na naka install sa lugar upang makilala ang mga sumalakay na suspek.

Source: Pilipino Star Ngayon

šŸ“ø: Ruby Silubrico

#Cavithink

#TreceMartiresCity