Isang Chinese national ang kinidnap at natagpuan sa Indang, Cavite nitong 20 ng Hulyo.
Ang biktima ay kinilala bilang si Gan Zuo Qi sa edad na 30, at kasalukuyang naninirahan sa Makati City.
Ang biktima ay itinawag ng isang concerned citizen sa Indang MPS matapos na makitang pagala-gala at tiwala naliligaw sa harapan ng Don Aldrin Bus Terminal sa Brgy Mataas na Lupa.
Agad na pinuntahan ng mga otoridad ang biktima at dinala sa istasyon ng pulisya. Sa naging salaysay ni Gan Zuo Qi, napag-alaman na dinakip siya ng limang hindi pa nakikilalang suspek sa may Pasay City bandang alas-9 ng gabi noong Hulyo 19. Nakatakas umano siya matapos na sapilitang magbigay ng P300,000 sa mga suspek sa pamamagitan ng online bank transfer gamit ang cellphone niya.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya si Gan Zuo Qi para sa mas masusing imbestigasyon. Nagbigay paalala naman ang mga otoridad sa panibagong modus na ito ng mga kidnappers.
Source: Cavite PNP, Indang MPS & Go Cavite
#Cavithink