Kamatayan ang naging resulta ng pagkatakot na makagat ng aso ang isang 14 anyos na binatilyo, kaya’t tumalon ito sa ilog at nalunod kamakalwa sa Brgy. Litlit, Silang, Cavite.

Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay nakilalang si Jhon Emerson Basilan, estudyante, residente ng Sitio Talon ng nasabing barangay.

Ayon sa ­imbestiga­syon, bago naganap ang insidente, alas 6:00 ng gabi ay naglalaro ang biktima kasama ang mga kaibigan ng taguan nang ito ay habulin ng aso. Upang makaiwas ay tumalon ito sa ilog at dahil sa may kalaliman ay tuluyan itong lumubog at nalunod.

Tinangka pa itong ­iligtas ng kaniyang lolo at nang maiahon ay agad itinakbo sa pagamutan, subalit hindi na ito naisalba pa.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/12/18/2148730/bagets-hinabol-ng-aso-nag-dive-sa-ilog-nalunod

#Cavithink

#SilangCavite