Nasa kamay na ng mga autoridad ang isa sa 15th most wanted person sa General Trias, Cavite. Matapos nitong magnakaw ng aabot sa 4 milyong halaga ng electrical products sa pinapasukang kumpanya nitong martes, Hulyo 13.
Nasa edad 40 ang suspek at dati itong company messanger sa isang distributor ng electrical at industrial supplies sa Quezon City.
Hinuli ang suspek sahil sa reklamong inilatag ng kaniyang amo nang mapagalaman nitong tinangay ng suspek ang 4 na milyong halaga ng mga kable mula sa kumpanya. Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest at nakatakdang humarap sa kasong qualified theft.
Source: Lady Vicencio/Abs-Cbn News
Image by: Amino Apps