Ayon sa pahayag ni Mayor Emmanuel Maliksisa kaniyang Facebook page tungkol sa kaniyang sitwasyon sa karamdaman, kasalukuyang naka isolate at nagpapagaling sa South Imus Specialist Hospital.
“Sa kabila ng ating labis na pag-iingat, ikinalulungkot ko pong ibalita na ang inyong lingkod ay positibo sa Covid-19. Mananatiling bukas ang mga serbisyo ng pamahalaan para sa inyo lalo na sa kritikal na panahong ito. Pagtutulungan at panalangin ng kagalingan at maayos na kalusugan ang tanging hiling natin para sa lahat. Babangon tayo at sama-sama nating malalagpasan ito.” (Pahayag ni Mayor Emmanuel Maliksi)
Mahigit 1,000 pa rin ang mga aktibong kaso sa Imus.
Source: Mayor Emmanuel Maliksi Facebook page and ABS CBN News
https://news.abs-cbn.com/news/08/16/21/mayor-emmanuel-maliksi-ng-imus-cavite-positibo-sa-covid-19
#Cavithink
#Imus