Ayon sa ulat ng Naic Municipal Station, nabisto sa kanilang iligal na aktibidad sa Barangay Bagong Kalsada ang 10 indibidwal matapos lumabag sa Naic Municipal Ordinance Number 03, series of 1996 (Illegal Fishing)

Nahuli sa akto ang 10 kataong ito sa Naic, Cavite dakong alas-10 ng umaga nitong miyerkules, Hulyo 14.

Ayon dito kinikilala ang 10 indibidwal na sina: Dennis Adonis y Vencer, 52 anyos; Ronel Ramos, 29 anyos; Yurie Ardina y Estacion, 27 anyos; Reynald Batanon y Bacay, 18 anyos; Jomar Adrias y Mosqueda, 37 anyos; Ariel Mira y Santos, 39 anyos; Loreto Casol y Mandawe, 64 anyos; Nicomedes Cerrero y Perez, 63 anyos, Raul Epe y Hiniguin, 43 anyos; at Reynaldo Batanon y Rusi, 33 anyos.

Sa isinagawang joint operation ng ODTP, itinalagang personnel ng Naic MPS at Naic Bantay Dagat ng NAIC LGU, nagawang mahuli ang mga ito alinsunod sa pinagtitibay na implementasyon at bisa ng ordinansa ukol sa iligal na pangingisda. Narekober mula sa pinangyarihan ang isang MV fishing vessel, habang nasa kustodiya na ng Naic MPS ang mga nahuling indibidwal para proper disposition sa mga ito.

Source: CAVITE PNP, Naic MPS, Go Cavite

Image by: Irvine Kinea

#Cavithink

#GoCavite

#Naic