Isang nagbabalik na Filipino mula sa Qatar ang ikatlong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 na natukoy sa bansa. Kinumpirma ito ni Heallth Undersecretary Maria Rosario Vergerie at idinagdag na bukod sa Qatar, may trave history rin umano ang pasyente sa Egypt.

Dumating ang 36-taong gulang na lalaking pasyente noong ika-28 ng Nobyembre sa Mactan-Cebu International Airport lulan ng Qatar Airways flight QR 984.

Ang kanyang sam­ple ay nakolekta noong Disyembre 4 at nailabas ang resul­ta nito ng sumunod na araw kung kailan siya positibo sa COVID-19.

Agad siyang isinailalim sa isolation sa Cebu at muling isinailalim sa RT-PCR test kung saan negatibo na ang kaniyang resulta nitong Disyembre 19.

“He completed his isolation in Cebu before traveling back to Cavite, his hometown, and immediately underwent home qua­rantine,” ayon kay Vergeire.

Sa ngayon ay natapos na rin ng pasyente ang kaniyang home quarantine. Nananatiling  asymptomatic umano ang biktima simula nang dumating siya sa bansa.

Patuloy naman ang pamahalaan sa ginagawang contact tracing upang maisai­lalim din sila sa isolation at RT-PCR test para makatiyak na hindi na kakalat ang Omicron variant.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/12/21/2149229/pinoy-mula-qatar-ika-3-kaso-ng-omicron

📸: Medical Dialogues

#Cavithink

#OmicronUpdate