Re elect Cavite Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr., ay manunumpa para sa kanyang bagong termino sa panunungkulan bilang gobernador sa makasaysayang Diocesan Shrine of Saint Ugustine, karaniwang kilala bilang Parish of Sta. Cruz, sa bayan ng Tanza ngayong darating na ika-27 ng Hunyo taong 2022.
Ayon sa ulat ng manila Times, si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr ang mangangasiwa ng panunumpa ni Remulla.
Samantala, para kay Vice Governor-elect Athena Tolentino, ang kanyang panunumpa ay pangangasiwaan ng tiyuhin na si Senator Francis Tolentino sa ikalawang palapag ng Rectoral Area ng Sta. Cruz Church, kung saan nakalagak ang mga historical artifact at memorabilia.
Ang iba pang provincial board members na manunumpa kasabay nila ay sina Denver Chua at Rommel Enriquez (first district), Edwin Malvar at Ram Revilla (second district), Shernan Jaro at Ony Cantimbuhan (third district), Jun de la Cuesta at Nickol Austria (fourth district), Marcos Amutan at Aidel Belamide (fifth district), Kerby Salazar at Morit Sison (sixth district), Ping Remulla at Raymundo del Rosario (seventh district), at Rainier Ambion at Irene Bencito (eighth district).
Source: Go Cavite / The Manila Times
📸: Flickr
#Cavithink
#Tanza
#Cavite