Inalis na sa pwesto ang isang pulis na nakabangga ng sasakyan at nagpaputok pa ng baril nang kuyugin siya ng mga residente sa Dasmarinas, Cavite.Batay sa ulat ng 24Oras Weekend, mapapanood ang isang cellphone video kung saan makikita ang isang g dark gray na kotseng may nakabangga ring isang sasakyan mula sa kabilang lane.Maya-maya pa ay sinubukang gumalaw ng dark gray na sasakyan kaya sinubukan siyang habulin ng mga residente at ilang miyembro ng TODA.Nauwi ang naturang paghabol sa pagkuyog at pamamato sa sasakyan.Matapos ang ilang minuto ay bumaba na nang sasakyan ang drayber ng naturang kotse at saka ilang beses na nagpaputok ng dalang baril kaya’t nagtakbuhan ang tao sa paligid nito.Batay pa rin sa naturang ulat, kinilala ang nagpaputok ng baril bilang si Ismael Dulin, na isa palang Police Staff Sergeant at miyembro ng Warrant Section ng Dasmariñas Police.Lumabas rin sa imbestigasyon na nagkasabitan sa isang kanto sa naturang lungsod ang sasakyan ng pulis at dalawa pang sasakyan pasado alas-8 ng gabi nitong Biyernes.Dinepensahan naman ni Dulin ang sarili at sinabing hindi niya balak tumakas ngunit itatabi lamang sana ang sasakyan nang bigla na lamang siyang kuyugin ng mga tao sa lugar kaya nagawa ang pagpapaputok ng baril.Samantala, wala namang nasaktan sa naturang insidente at nakipag-ayos na ang mga may-ari ng mga sasakyan na nakabanggan ng pulis.Bagaman naayos na ng mga panig ang kanilang problema, dinisarmahan ng Dasmariñas Police si Dulin, inalis sa pwesto at kinasuhan.

Source: GMA News

📷 Pixabay Free Images / Shutterstock

#GoCavite#Cavite#Dasmarinas