Bilang parte ng Buwan ng mga Kababaihan, naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Trece Martires ng RIC LIVELIHOOD PRODUCTS DISPLAY kung saan ipinapamalas ang mga produktong gawa ng mga kababaihan.

Binuo ang naturang proyekto ng lungsod upang maipakita ang kakayahan ng mga kababaihan sa larangan ng sining, paggawa ng sariling produkto o gawaing pangkabuhayan.

Ang naturang display ay nagsimula nitong Marso 8 at bukas sa publiko hanggang Marso 12, 2021.

“Ang lahat po ay inaanyayahan na magpunta sa RIC OFFICE sa may Ground Floor Agriculture Bldg. City Hall Compound para matikman at makita ang iba’t ibang nilikha at ipinagmamalaki ng ating lungsod na gawa ng ating mga kababaihan,” saad ni Mayor Gemma Lubigan sa kaniyang post.

Source: Mayor Gemma Lubigan
#GoCavite #Cavite #TreceMartires