Ang Cavite Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal ng Ternate ay nagsagawa ng isang aktibidad na paglilinis sa tabi ng kalsada ng Mt. Palay-Palay Mataas-na-Gulod Protected Landscape noong Marso 3, 2021.

Ang aktibidad ay isinagawa kasabay ng World Wildlife Day na may temang “Forest and Livelihood: Sustaining People and Planet”, na naglalayong linisin ang kalsada sa protektadong lugar, na may humigit-kumulang na 5km mula sa Puerto Azul.

Pinangunahan ni PENRO Head Ronita A. Unlayao kasama sina MSD Chief Susan L. del Rosario at TSD Reynaldo A. Belen ang paglilinis sa naturang lugar.

Binigyang diin ni Unlayao na ang iligal ang pagtatapon ng basura sa mga katulad na lugar sa ilalim ng RA 9003, na kilala rin bilang “Ecological Solid Waste Management Act 2020.”

“We need to continuously educate the public to avoid littering especially when entering a biodiversity-rich area and to always practice waste segregation where we are,” ani Unlayao.

Source: PIA
#GoCavite #Cavite #Ternate