Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias ang isinasagawa nilang paghahanda para sa paglulunsad ng SMART CITY Mobile Application sa kanilang lungsod.

Nitong nakaraang Biyernes ay isinagawa ang training ng mga Authorized Registration Officers sa pakikipagtulungan ng Information Technology Business Solutions (ITBS).

“Ang nasabing mobile app ay magbibigay daan sa mga E-Government services at makakatulong din sa contact tracing at sa COVID-19 vaccination program ng lungsod,” saad sa pabatid ng lungsod.

“Ang proyektong ito ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias ay isinulong nila Mayor Ony Ferrer, Cong. Jon-Jon Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod Members,” dagdag pa nito.

Source: City Government of General Trias
#GoCavite #Cavite #Gentri