Nitong Marso 8, Lunes, ay namahagi ng wheelchair ang Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires para sa 22 Persons With Disabilities (PWDs) at senior citizens ng lungsod.

Matatandaang isa sa mga pangunahing proyekto ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Gemma Lubigan ay ang pagtulong sa mga PWDs, Seniors, Estudyante at kababaihan ng kanilang bayan.

“Hindi hadlang ang kapansanan upang ipagpatuloy ang hamon ng buhay. Ang munting tulong na ito para sa mga mahal nating may kapansanan ay maliit na bagay lamang kumpara sa mga dinaranas nyo sa buhay,” pahayag ni Lubigan sa kaniyang post.

“Asahan po ninyo na di kayo nag iisa sa laban, kasama nyo po kami, Ang Pamahalaang Lungsod nakasubaybay at naka alalay,” pagpapatuloy pa niya.

Source/Photo: Mayor Gemma Lubigan

#GoCavite #Cavite #TreceMartires