Kinokondena ni Vice President Leni Robredo ang pagpatay sa mga aktibista sa Calabarzon na aniya’y isang “massacre” kung saan nanawagan siya sa isang statement ng malinis at patas sa imbestigasyon sa mga pagpatay.

Binigyang diin ni Robredo na ang nangyari ay isa aniyang “massacre” kung saan dalawang araw umano bago ang nangyaring engkwentro ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na balewalain ang “human rights” at habulin ang mga rebeldeng komunista.

“There is no other way to describe this: It was a massacre. And it came just two days after the President himself ordered state forces to ‘ignore human rights,’ kill communist rebels, and ‘finish them off,’ in his rant before the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict,” sabi ni Robredo.

“Indeed, these are difficult and dangerous times. So, keep reaching out to your mates, check on your friends, and always take care. . . They have to face each of us if they want to stop us from telling the truth: The Filipino people deserve better than this murderous regime,” dagdag niya.

Nasa siyam (9) na mga aktibista ang namatay habang anim (6) naman ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga pulisya nitong Linggo, ayon sa Police Regional Office 4A.

Itinanggi naman ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) nitong Lunes na mga “communist-terrorists” ang mga naaresto at namatay.

Nanawagan si Robredo ng malinis at patas sa imbestigasyon sa mga pagpatay.

“Let’s strongly condemn the killings in Calabarzon, as we condemn the suppression of so many innocent lives under this administration. Our plea, justice,” sabi ng Bise Presidente.

“At a time when the number of people dying, starving and suffering due to the pandemic continues to increase, this is the painful truth: The killing of Filipinos continues,” dagdag pa niya.

Source: GMA News
📷 GMA News/Rappler

#GoCavite