SOURCE: https://www.facebook.com/gocavite/

Matagumpay na naisagawa sa bayan ng General Mariano Alvarez ang “GMA MEGA JOB FAIR 2021: Trabahong handog sa Anibersaryo” nitong Marso 11 na ginanap sa Portal Mall.

Ang naturang job fair ay dinaluhan ng mahigit sa 23 lokal at internasyonal na kumpanya at nagbigay ng trabaho sa mga dumalong partisipante na naapektuhan ng pandemya.

Ang naturang aktibidad ay bahagi rin ng selebrasyon para sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan at ika-13 Kabutenyo Festival.

Source/Photo: LGU General Mariano Alvarez, Cavite

#GoCavite #Cavite #GMA