Sinamahan ni Cavite 8th District Congressman Abraham “Bambol” Tolentino ang kanyang anak na si Tagaytay City Councilor Athena Tolentino na naghain ng Certificate of Candidacy bilang Bise Gobernador ni Gov. Jonvic Remulla para sa Eleksyon 2022.

Ayon pa dito, may iba pa umanong tatakbo bilang Bise Gobernador ng Lalawigan ng Cavite.

Kasabay na rin dito ang pag file ni Gov. Jonvic Remulla sa ilalim ng NATIONAL UNITY PARTY (NUP).

Samantala, Natapos na ang 3 termino ni Vice Gov. Jolo Revilla na ngayon ay tatakbo sa 1st District bilang Congressman.

Source: Cavite Connect

#Cavithink

#Halalan2022