
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi ang isinagawang simulation para sa DriveThru COVID-19 Vaccination Site sa isang mall ng lungsod nitong nakaraang araw.
“Bilang bahagi ng ating #BidaAngMayBakuna campaign, nagsagawa tayo ng simulation para sa DriveThru COVID-19 Vaccination Site ngayong araw sa Robinsons Place Imus,” saad ni Maliksi sa kaniyang post.
Ayon pa sa punong ehekutibo, “Dinaluhan ito ng mga kasama nating kawani mula sa pamahalaang lungsod. Katulad ng mga isinagawa nating vaccine rollout simulations kamakailan, layunin din ng simulation na ito na malaman at masolusyonan ang mga suliranin na maaari nating kaharapin kapag ipinatupad na ang inisiyatibong ito.”
Source/Photo: Emmanuel Maliksi (Facebook)