Pinaghihinay-hinay ng Department of Health (DOH) ang Commission on Elections (Comelec) sa pagpayag nila na ma­kaboto ng personal ang mga indibidwal na positibo sa COVID-19 dahil sa maaaring maging dahilan ito ng mas problemadong hawaan.

“Alam po natin na isang positibong tao na kapag lumabas po ng kanilang kuwarto o kanilang lugar ay maaari pong makahawa ng ibang tao,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon.

Umaasa si Vergeire na makakahanap ng ibang pamamaraan ang Comelec para maisagawa ang pagboto ng mga pas­yenteng may COVID ng hindi makakahawa ng iba.  Isang paraan na maaaring ikonsidera umano ay ang pagboto sa pamamagitan ng ‘short messaging system (SMS) o text messages’ o iba pang pamamamaraan na gagamitan ng electronics.

Una nang sinabi ng Comelec na magtatayo sila ng polling centers sa mga ‘isolation centers’ upang makaboto pa rin ang mga positibo sa virus na nakararanas lamang ng mild na sintomas o asymptomatic.

Source: Pilipino Star Ngayon

#Cavithink

#Covid19

#Eleksyon2022