Dalawang Bagyo sa labas ng PAR (Philippine Area of Responsibility) ang sanhi sa patuloy na paglakas ng Habagat sa ating bansa, na siyang nagdadala ng mga pag ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ang Typhoon #INFA international name na dating si Bagyong #FabianPH na nananalasa na ngayon sa Eastern China at ang isang Tropical Storm na may international name na NEPARTAK sa Pacific Ocean na inaasahang tatama sa bansang Japan sa darating na Martes kung saan maaapektuhan nito ang mga palaro sa ginaganap na Tokyo 2020 Olympic Games.

Base naman sa weather models, inaasahang iiral pa rin ang HABAGAT sa Luzon, lalo na sa kanlurang bahagi nito nang hanggang isang linggo pa, dahil yan sa iba pang mga weather system na posibleng mabubuo sa mga susunod na araw na siyang patuloy na hahatak dito.

Pag iingat at patuloy na Pagdarasal palagi ang kailangang gawin.

Keep safe mga kababayan.

Source: What’s Up PH

#Cavithink

#Typhoons