Patuloy pa rin ang pagkalat ng nasabing Virus sa ating bansa ngunit kailangan pa rin natin mag doble ingat sa ating kapaligiran dahil sa kumakalat naman ngayong Delta Variant.

Ayon sa naging panayam ni Mayor Lani Mercado-Revilla sa DZMM Teleradyo, kamakailan ay walong close contact ng isa sa dalawang kaso ng Delta variant sa lungsod ng Bacoor, ang nagpositibo sa RT-PCR test.

Ang mga ito ay miyembro ng pamilya at posibleng nahawaan ng Delta variant case sa Addas 2C village sa Barangay Molino 2. Samantala, lumabas na negatibo sa COVID-19 ang limang close contact ng isa pang Delta carrier sa El Grande Subdivision sa Barangay Molino 6.

Kasalukuyang nasa ilalim ng granular lockdown ang dalawang lugar hanggang sa susunod na linggo (Agosto 8 sa El Grande Subdivision at Agosto 9 sa Addas 2C village), batay sa Executive Order No 25A at bilang pagsunod sa ‘zoning containment strategy’ ng National Task Force.

Kasunod pa rito ay ang pagbaba ng ordinansa patungkol sa Quarantine Classifications ng ating bansa. Simula Agosto 1-31, 2021.

Source: Philstar Global & DZMM

Patuloy na Panalangin at Pag iingat sa ating lahat.

#Cavithink

#GCQ

#Covid19