Ayon sa OCTA Reaserch Group ang Lungsod ng Cavite at Cebu ay maaari nang isaalang-alang na may mababang peligro ng Covid-19.
Aniya ni Guido David ng OCTA Reasearch Group, ang Cebu City at Cavite ay nagtala ng 34 at 429 na mga bagong kaso araw-araw, mula ika-8 ng Oktubre hanggang ika-14 na mas mababa nang malaki kumpara noong nakaraang buwan. Ang bilang ng mga tao na maaaring mahawahan ng isang positibong tao (Covid-19) ay bumaba sa 0.46 (Cebu City) at 0.56 naman sa (Cavite).
Ang paggamit ng kama sa ospital sa parehong lugar ay nasa ligtas na antas. Ang kapasidad ng Intensive Care Unit (ICU) ay nasa 38% sa Cebu City at 66% naman sa Cavite. Ang positivity rate o bilang ng mga positibong kaso mula sa kabuuang isinagawang mga tests ay 7% sa Cebu City at 8% naman sa Cavite.
Ang Metro Manila, Davao City, Batangas, Bulacan, Laguna, Pampanga at Rizal ay mananatiling nasa katamtamang peligro ng Covid-19. Nakapagtala ang Metro Manila ng 1,820 araw-araw na mga bagong kaso. Habang ang Rizal na may 302, Laguna 285, Bulacan 250, Batangas 202, Pampanga 181 at Davao City 163.
Source: Pilipino Star Ngayon
https://www.philstar.com/nation/2021/10/16/2134448/octa-cebu-cavite-low-risk-covid-19
#Cavithink
#Cavite
#Cebu