Ikinokonsidera ngayon ng COMELEC (Commission on Elections) na palawagin ang Voter’s Registration ng isang linggo pa makaraan ang pamumuwersa ng Kongreso.

Sa pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee sa Automated Election System, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na may panukala na para sa isang linggong ekstensyon matapos ang paghahain ng ‘Certificate of Candidacy (COC)’ ng mga tatakbo sa halalan sa 2022.

Nakatakdang isagawa ang COC filing mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 at saka lamang isasagawa ang isang linggo pang ‘voter’s registration’ para sa mga naghahabol.

Matatandaan na na­nindigan ang Comelec na huwag nang pahabain pa ang ‘voter’s registration’ na magtatapos sa Setyembre 30 sa kabila ng panawagan ng iba’t ibang sektor kasama na ang Kongreso at Senado.

“What we have… already ruled twice [is] not to extend the registration,” ayon kay Casquejo. “However, we are also aware [of] the pending bill that the [Senate] plenary approved, mandating the Comelec to extend the registration.”

Kung papasa umano ang panukalang batas, wala silang magagawa kundi sumunod dito. Ngunit hindi kuntento dito ang mga mambabatas na patuloy na igi­nigiit ang isang buwang ekstensyon.

Source: Pilipino Star Ngayon

#Cavithink

#Comelec

#Eleksyon2022