Nangako kahapon ang Commission on Elections (Comelec) na hindi mauulit ngayong 2022 ang pitong oras (7) na ‘glitch’ na naganap noong 2019 elections.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na nag-update na sila ng sistema ng kanilang servers para hindi na maulit ang glitch.
“The transparency server in UST mayroon kaming nilagay na isang equipment na kung saan by bulk ‘yung pagbagsak ngayon sa mga media server ‘yung sa laptop po ng mga media natin,” ayon kay Garcia.
Ipinaliwanag ni Garcia na noong 2019, hindi nakayanan ng kanilang ‘transparency server’ ang lahat ng datos na dumarating ng sabay-sabay. Dito nagkaroon ng glitch na umabot ng pitong oras.
Pero ngayong 2022, magpapadala ng datos ang 106,000 voting precincts sa pamamagitan ng batches ng tig-10,000 upang maiwasan ang biglaang pagpasok ng napakataas na datos.
Bumuo rin ang Comelec ng mga ‘provincial technical hubs’ na maaaring dito agad ipadala ang mga SD cards na magloloko para agad na masolusyunan ang problema. Mamanduhan ang mga technical hubs ng mga tauhan ng Department of Information and Communications Technology at Department of Science and Technology.
Source: Pilipino Star Ngayon
#Cavithink
#Comelec
#Halalan2022