Isinasaalang-alang ng Manila Police District (MPD) bilang crime of passion ang pagpatay sa isang estudyante sa Tondo na ang mga tinadtad na bahagi ng katawan ay natagpuang nakaipit sa dalawang sako sa Cavite noong nakaraang linggo.

Ang negosyanteng si Dante Reyes, 42, ay inaresto dahil sa pagpatay sa 19 anyos na estudyanteng si Rusty dela Cruz noong ika 29 ng Disyembre 2021.

Sinaksak umano ni Reyes ang biktima pagkatapos ay tinadtad ito kasunod ng pagtatalo dahil sa natalo na taya sa online sabong, sinabi ni MPD spokesman Capt. Philipp Ines sa The STAR kahapon.

Sinabi ni Ines na tinitingnan nila ang crime of passion bilang motibo sa pagpatay dahil umano sa relasyon ni Reyes at ng biktima, bagama’t itinanggi ito ng suspek.

Binayaran umano ng suspek ang tuition ng biktima dagdag ni Ines.

Sinabi ng pulisya na huling nakita si Reyes kasama ang biktima na bumisita sa bahay ng suspek sa kahabaan ng Masangkay street sa Barangay 261, Tondo noong Disymebre 29.

Nahuli ang suspek sa closed-circuit television footage na nagkarga ng mga sako na naglalaman ng ng biktima sa likod ng isang taxi.

Diumano, hiniwa ni Reyes ang biktima para itago ang ebidensya ng krimen ayon kay Ines.

Natagpuan ang labi ng biktima sa isang bakanteng lote sa Bacoor, Cavite noong ika 30 ng Diyembre nakaraang taon.

Kasalukuyang ang suspek ay hawak na ng pulisya at nahaharap sa kasong murder.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/nation/2022/01/04/2151634/tondo-chop-chop-case-crime-passion-eyed

#Cavithink

#Cavite

#ChopChop