Noong September 3 ay nakatanggap ng 492 radio units ang mga bumubuo ng Carmona MDRRMC (Municipal Disatser Risk Reduction and Management Council).

Magagamit ang mga ito bilang komunikasyon sa mabilis na pagtugon sa mga emergency, sakuna o aksidente at maging sa kalamidad.

Kabilang sa mga nakatanggap ang MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office), lahat ng 14 barangay, PNP-Carmona. BFP-Carmona, CARTMO (Carmona Traffic Management Office), CSU (Civil Security Unit) at iba pang emergency frontliners.

Bukod pa rito nakatanggap din ang Barangay 8, Maduya at Mabuhay ng bagong water tankers mula sa pondo ng MDRRMC para sa pagbili at pag upgrade ng ating disaster response equipment.

Source: Municipality of Carmona, Cavite / FB page

#Cavithink

#Carmona