Source: LGU General Mariano Alvarez, Cavite and Go Cavite page #GoCavite #Cavite #GMA

Opisyal na sinimulan sa General Mariano Alvarez ang Botika On Wheels (BOW) para sa mga senior citizens ng bayan nitong Martes, Hunyo 29. Sa ilalim ng naturang proyekto, mag-iikot ang mga kawani ng health office ng bayan upang makapagbigay ng libreng check-up at bitamina sa mga mamamayan.

Nagsagawa ng maliit na ‘Launching Activity’ ang LGU sa sa Brgy. San Gabriel Covered Court, na dinaluhan ng mga Punong Barangays at ilang opisyales bayan sa pangunguna ni Acting Mayor Maricel E. Torres. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang LGU kay Cavite Governor Jonvic Remulla sa suporta nito upang maisakatuparan ang proyekto.