Hindi na naitanggi pa ng isang lalaki ang mga ebidensya sa kuha sa kanyang cellphone matapos na ireklamo ng kapitbahay na kinunan nito ng video habang naliligo sa Lungsod ng Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Kasong paglabag sa Sec 4 (a) ng RA 9995 o “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang isinampa laban kay Romer Calud y Camit, 37, ng Brgy Salawag, Dasmarinas City dahil sa reklamo ng katabing kuwarto nito na sina James at Rina. بطاقات ون كارد

Ayon sa ulat ni PMSgt Elmo Caboboy, ng Dasmariñas City Police, alas-9:30 kamakalawa ng umaga nang sabay maligo ang dalawa.

Lingid sa dalawa, umakyat sa kisame na katabing kuwarto lang ang suspek at kinunan ang dalawa habang naliligo gamit ang kanyang Oppo A155 na cellphone. تحميل لعبة ملك الدومينو

Nang mapuna ng babae ang pag-video sa kanila ay humingi ng tulong sa kanilang landlord na siyang nagsumbong sa mga barangay tanod kaya naaresto ang suspek. xbet

Source: Abante News

#Cavithink

#DasmariñasCity