Nauwi sa trahedya ang masayang birthday outing ng isang pamilya matapos silang tangayin ng malakas na alon habang nagsu-swimming sa isang beach resort na ikinasawi ng dalawa sa kanila at isa pang 16-anyos ang nasa malubhang kalagayan sa Brgy. Bucana Sasahan, Naic, Cavite, kamakalwa.

Ayon sa ulat ni P/Staff Sergeant Rodrigo Veloso III, officer on case, nakilala ang mga nasawi na sina Chelzky Edara Regato, 31 anyos, walang trabaho taga Brgy. جائزة رالي داكار 2022 1 Amadeo, Cavite at ang delivery boy na si Noel Sanding, 18 anyos ng Noveleta, Cavite.

Inoobserbahan naman sa San Lazaro Hospital ang dalagitang pamangkin ni Regato na si Zyrahlyn Edara, estudyante at residente ng Amadeo, Cavite.

Ang katawan nina Regato at Sanding ay natagpuan umano ng mga rescuers na lumulutang sa baybayin ng Brgy. Bucana Sasahan dakong alas-8:00 ng gabi o dalawang oras matapos silang lamunin ng dagat.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima kasama ang lima pang kaanak ay nagtungo sa coastal bay para mag swimming upang ipagdiwang umano ang kaarawan ng tiyo ni Edara.

Ayon kay Veloso, ang mga biktima ay pinaniniwalaang nasa impluwensya ng alak nang magdesisyong lumusong sa baybayin ng Coastal Bay Beach Resort dakong alas-6 ng gabi kung saan marami ring tao ang naliligo roon. بيتواي

Gayunman, dahil sa malakas na hangin ay biglang lumaki ang mga alon at biglang tinangay palayo sa malalim na bahagi ang mga biktima at iba pang naliligo rito.

Hindi agad nakalangoy pabalik ang dalawa at tuluyang tinangay palayo hanggang sa mawala sa tubig habang si Adara ay mabilis na nasagip ng mga kasamahan.

“Adara went first to swim, because of the strong current waves of the river, she was drowned, prompted, her aunt and Sanding saw and try to help her, however, the two took away by the current waves, while Adara was rescued by their other companions,” pahayag ni Veloso. go fish rules

Nang marekober ang dalawa ng mga rescuer’s, mabilis na dinala ng Naic MDRRMC ambulance sa nasabi ring ospital subalit kapwa idinekla­rang dead-on-arrival.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2022/03/08/2165709/16-anyos-pang-estudyante-kritikal-birthday-outing-nauwi-sa-trahedya-2-patay

#Cavithink

#Naic