Nagkaroon ng pagpupulong ang pamunuan ng General Emilio Aguinaldo, Cavite ukol sa hinaing tungol sa problema sa suplay ng tubig, nitong Hulyo 15.
Kabilang sa naging pagpupulong ang General Manager ng GEAWD na si Engr. Florencio Mendoza kasama ang mga Board of Directors nito.
Nagpulong ang mga ito upang mabigyan ng agarang solusyon sa problema ng suplay sa tubig. Marami sa nasasakupan nito ay nagkakaroon ng problema sa tubig.
“Alam nating lahat na mahalaga ang tubig sa buhay ng bawat mamamayan. Kaya naman ang ating lokal na pamahalaan ay ginagawa ang lahat para maaksyunan ang matagal na nating problema. Isa rin itong hamon para sa atin na ating pangalaagaan ang ating kapaligiran, lalo na at ating kinakaharap ang krisis dulot ng Climate Change,” ayon sa post ni Mayor Nelia Bencito Angeles.
Source/Photo: Nelia Bencito Angeles/FACEBOOK and Go Cavite
Image by Asianparents Philippines
#GoCavite
#GeneralEmilioAguinaldo
#Cavithink