Naaresto ng pulisya ang tatlong bigtime pusher at transporter ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa isang subdivision kamakalawa ng hapon sa Brgy. Panapaan 1 sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Marvin Espiritu Dominguez alias “Barron” 30 anyos negosyante ng 194 Palico, Imus City, Cavite ; John Paul Reyes alias “Kuya” 26 anyos dlivery rider ng 215-A Panapaan 1, Floraville Subdivision, Bacoor City at si Christine Bautista Alvaran alias ” Nanay” 25 anyos ng 0233 Talisayan, Sampaloc 4 ng DasmariƱas City, Cavite.

Nabatid na ilang araw umanong isinailalim ng otoridad sa surveillance ang mga suspek at nang magpositibo ay ikinasa ang buy-bust operation sa loob ng Floraville Subdivision ng nasabing barangay bandang alas 3:10 ng hapon.

Dumating ang mga suspek sakay ng Toyota Avanza at agad nakipag-deal sa tumayong poseur buyer at dito na sila naaresto ng mga nakatagong mga otoridad.

Narekober sa mga ito ang mahigit 500 gramo (500 grams) ng shabu na aabot sa P3.4 milyon.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/10/23/2136128/trader-2-pa-tiklo-sa-p34-milyon-shabu

šŸ“ø: Abante Tonite

#Cavithink

#Bacoor