Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng dalawang naka motorsiklo sa Barangay Panapaan 8, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang biktimang si Jaime Alamo, chairman ng Brgy. Panapaan 8, Bacoor City na idineklarang dead on arrival sa St. Dominic Hospital dahil sa natamong tama ng mga bala sa kanyang katawan. بت فاينل

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at inaalam na ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na kapwa naka motor na mabilis nagpulasan matapos mangyari ang krimen. دي.سي. يونايتد

Ayon sa ulat, bandang alas 7:40 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang toyota wigo na may plakang DAC 8384 nang pagbabarilin siya ng dalawang kalalakihan na naka motorsiklo sa kahabaan ng Niog Road, Brgy. بنك بايير Niog 2, Bacoor City, Cavite.

Matapos mangyari ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Molino Boulevard habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit namatay din ito.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2022/03/15/2167388/barangay-chairman-sa-cavite-itinumba

#Cavithink

#BacoorCity

#Cavite