Ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) na kilala bilang number coding scheme, sa layuning bawasan ang bilang ng mga sasakyan sa gitna ng pagsisimula ng pre-pandemic traffic build-up lalo na sa mga pangunahing lansangan ng National Capital Region.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos na ang muling pagpapatupad ng number coding scheme simula noong ika-1 ng Diyembre, ito ay bunga ng desisyon ng mga mayor sa Metro Manila na inaprubahan ang resolusyon sa pagpapatupad ng calibrated traffic mitigation measures sa National Capital Region (NCR) na naglalayong maiwasan ang traffic krisis sa hinaharap.

Source: Manila Bulletin

#Cavithink

#NCR