Mahigit 17, 537 ang bilang ng aktibong kaso ng covid-19 ang naitala sa Calabarzon.

Ngunit 2,268 bagong kaso naman ang naitala ng Department of Health Region 4A nitong Huwebes, Agosto 12. Nasa 222,586 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Covid-19 na naitala sa buong rehiyon magmula nang nagkaroon ng pandemya noong nakaraang taon.

Ang lalawigan ng Cavite ang may pinakamataas na aktibong kaso ng Covid-19 dahil kasalukuyang umabot na ito sa 7,772. Habang ang Laguna naman ang pumangalawa na may kasong 4,270, sumunod naman ang Rizal na may 2,356, Batangas na may 1,878, Quezon na may 1,029 at ang Lucena City na may 232 kaso ng Covid-19.

Umabot na sa 198,350 ang naitala na mga gumaling na sa Covid-19. Nitong Huwebes naman ay halos 971 panibagong paggaling ang DOH Region 4A.

Nakasailalim sa MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) ang mga lalawigan ng Rizal, Cavite at Lucena City. Nasa GCQ (General Community Quarantine) naman sa Batangas at Quezon.

Paalala palagi ng DOH sa lahat na palaging sumunod sa mga health protocols.

Source: PIA Calabarzon & Go Cavite

#Cavithink

#Covid19Update