Matatanda man o bata, marami sa ating mga pilipino ang mahilig sa online games lalo na ang mga laro na pwedeng kumita dahil sa hirap ng buhay ngayon sa nararanasang pandemya.
Ang tinaguriang “Axie Infinity” ang video games na ito na kung saan ay bibili ka ng pet, ibebreed at ilalaban o itatrade ang pet na ito o tinatawag na “Axies”. Nilikha ito ni Skymavis na kung saan ang manglalaro ay magkakakuha ng SLP na maaaring iconvert para maging pera.

Ano ba ang SLP? SLP o (Small Love Potion) ay isang token sa Axie Infinity Platform nito. Ginagamit ito upang mag breed ng pets sa larong ito ng sa gayon ay lumakas ito at mas lumaki ang tsansa na maraming pang makuhang SLP kada araw.
Ang isang SLP ngayon ay pumalo na ng 20 php at maari itong tumaas pa sa mga susunod na araw at maari din naman itong bumaba rin. Maraming mga Pilipino ngayon ang sinasamantala ang pagtaas nito dahil sa laki ng palitan. Kung susumauhin ay pag mayroon kang 200 SLP kada araw at kapag kinonvert mo ito sa ating pera ngayon ay mayroon kang 4000 php kada araw. Sa loob ng isang buwan ay kikita ka ng 120,000 php.
Sa kabila ng magandang palitan nito ay pinaaalalahanan pa din tayo na siguraduhin na mag siyasat maigi bago pumasok sa gantong uri ng investment, upang maiwasan ang labis na pagkalugi pag tayo nagkamali rito.
CCTO: Spin ph and Trust Wallet
Source: Proud Caviteño