Kinumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang limang motorbanka na nagsasagawa ng Illegal Fishing sa paligid ng Kayokno at Paniman sa Ternate, Cavite nitong Biyernes Agosto 20.

Sakay ng mga bangkang de motor ang 31 mangingisda na lumabag sa Municipal Ordinance No. 2, Series of 2011 dahil sa illegal na pangingisda nang walang mga lisensya at permit

Kinumpiska rin ng PCG ang mga ginagamit nila sa illegal na pangingisda at nakatakda rin silang panagutin dahil sa paglabag sa naturang ordinansa.

Sinigurado rin ng PCG na patuloy pa rin sila sa pagsasagawa ng mga seabone patrol para mapanatili ang ligtas at legal na pangingisda at masigurong walang Illegal Fishing sa nasabing lugar.

šŸ“· Philippine Coast Guard

Source: Balita Cavite Community

#Cavithink

#IllegalFishing

#Ternate