Nahuli ng Rosario Municipal Police Station (MPS) ang tatlong drug personality sa bayan habang nasa pot session sa Barangay Tejeros Convention, nitong 30 ng Hulyo, bandang alas 9:20 ng gabi.

Naganap ang paghuli sa mga indibidwal na kinilala bilang sina Querubin Pamintuan y Cabala edad na 40, Candido Moreno Jr. Y Betarmos edad na 30, at si Anthony Cases Y Castro edad na 35.

Narekober ng mga operatiba sa nasabing suspek ang 1 piraso ng aluminum strip foil (runway), 2 piraso ng aluminum rolled foils (tooters), isang unsealed na plastic sachet na hinihinalang shabu at isang disposable na lighter.

Nahaharap sa kasong paglabaf sa Sec 13 at 14 Article II ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs) Act of 2002 ang mga suspek.

Source: Go Cavite, Rosario MPS and Cavite PNP

#Cavithink

#NoToDrugs