Ipinababatid ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Setyembre 13, 2021 bilang unang araw ng Taong Panuruan 2021-2022 sa mga pampublikong paaralan, mula sa mga inirekomendang petsa ni Kalihim ng DepEd Leonor Magtolis Briones.

“Ipinaabot namin ang aming pasasalamat sa Pangulo sa kaniyang buong suporta sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa darating na taong panuruan sa porma ng blended learning. Ilalabas naman namin ang school calendar para sa SY 2021-2022 sa lalong madaling panahon.

Umaasa kami sa patuloy na pakikiisa at suporta ng aming stakeholders habang tayo ay naghahanda sa panibagong mga hamon ngunit napakahalagang hakbangin upang turuan ang ating mga kabataan sa gitna ng pangdaigdigang krisis sa kalusugan.” -Deped (Department of Education)

Source: GMA News & Deped

Image by: Deped & Philippine Star