Makakaranas ng “above normal rainfall” ang Metro Manila, mga lugar sa  Calabarzon, Mimaropa, Bicol region at ilang bahagi ng Central Luzon sa Oktubre dulot ng La Niña Phenomenon o mas maraming ulan kaysa sa normal na panahon.

Ayon sa PAGASA, sa Nobyembre naman ay makakaranas ng kaparehong rainfall condition ang karamihang bahagi sa Luzon, Central at Western Visayas gayundin ang ilang bahagi ng Mindanao.

Ang Kalinga, Apayao, at Cagayan naman ay makakaranas ng below normal rainfall sa Hunyo.

Samantala ayon pa sa PAGASA, ang Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Laguna, Albay, Sorsogon, Masbate, ilang bahagi ng Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte  ay makakaranas ng above normal rainfall simula sa susunod na buwan.

Ang La Niña ay inaasahang hihina sa pagitan ng  May-June-July season pero maaaring lumakas ulit sa huling buwan ng taon hanggang sa unang quarter ng 2023.

Tinaya naman ng PAG­ASA na may 11 hanggang 18 bagyo ang maaa­ring pumasok sa Philippine Area of Responsibi­lity (PAR) mula June hanggang November. 

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2022/06/01/2185185/above-normal-rainfall-mararanasan-sa-metro-manila-bahagi-ng-luzon-sa-oktubre

#Cavithink

#Cavite

#Rainfall