Isang babae sa Cavite ang kalaboso matapos na magpanggap na online seller ng mga damit at makatangay ng walong milyong piso sa kaniyang mga nabiktima.

Ayon sa ulat ng GMA News “State of the Nation”, ang suspek ay isang labing walong taong gulang na babae na kinilala bilang si Chase Jasmine Santos.

Inaresto siya ng CIDG-Cavite matapos ireklamo ng dalawang menor de edad na nakatransaksyon niya. Hindi umano ipinadala ni Santos ang mga damit na gagamitin sana sa pag-online selling ng kaniyang mga nabiktima matapos silang makapagbayad ng P800,000.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dalawang taon na pala itong ginagawa ng suspek kaya’t umabot na sa P8-M ang natatangay nito mula sa iba’t iba niyang naloloko online.

Paliwanag naman ng suspek, hindi pa talaga dumadating ang kaniyang mga paninda kaya nag-partial refund na umano siya sa ibang customers.

Source: Go Cavite & GMA News

https://www.gmanetwork.com/news/news/regions/810112/18-year-old-allegedly-rips-off-p8-million-from-online-selling/story/

#Cavithink

#Cavite