Posibleng inatake sa puso ang isang 70-anyos na lolo habang ito ay nakikipagniig sa isang babae sa loob ng isang motel sa Brgy. Maderan, GMA, Cavite. Nadiskubre ng roomboy ng Givalink Motel ang wala nang buhay at walang saplot na si Zosimo Tapia, residente ng Brgy. Maguyam Silang, Cavite.
Ayon sa pulisya, alas-6:30 ng umaga nang sila ay makatanggap ng tawag mula sa nasabing motel tungkol sa walang buhay na biktima.
Ayon sa cashier at roomboy ng nasabing motel, alas-12:35 ng madaling araw nang dumating ang biktima sakay ng Hyundai Ion (ZRZ-370) at nag-check in kasama ang hindi nakilalang babae.
Ilang minuto ang nakakalipas ay bumaba agad ang babae, alas-12:44 at hindi kasama ang biktima at tuluyan itong umalis.
Nagtungo ang roomboy sa kuwarto at dito nadiskubre ang walang saplot na biktima na nakahiga sa kama at hindi na humihinga.
Agad itong itinakbo sa Carsigma Hospital, subalit idineklarang dead on arrival na.
Source: Pilipino Star Ngayon
https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2022/02/24/2162974/70-anyos-na-lolo-namatay-sa-sarap
#Cavithink