Arestado kahapon ang 5 (limang) katao kaugnay ng pagpatay sa isang public school teacher sa Amadeo, Cavite noong Miyerkules.

Ayon kay Capt. Jeff Cesar Lontok hepe ng municipal police, na hinihinalang gunman na si Ananda Karnanasighe edad 59, Celestina De Luna edad 51 asawa niyang si Antonio Romeroso edad 53 ang kanilang anak na si Mark Romeroso edad 21 at si Benedict Cabasi edad 43 ay nadakip umano sa pursuit operations sa Brgy. Lalaan 2nd Silang.

si De Luna na dating guro ang sinasabing utak sa pagpatay kay Normita Bautista edad 58 guro sa Tagaytay National High School.

Tinitingnan ng mga probers ang isang pagtatalo sa lupa bilang motibo, ayon kay office in charge S/Sgt. Alvin Balbuena.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pag-aari ni Bautista ang house and lot na inuupahan ng mga suspek na ibinenta nila nang hindi niya nalalaman.

Nagbalak umano ang mga suspek na patayin si Bautista kasunod ng mainitang pagtatalo nang komprontahin sila nito.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/nation/2022/01/08/2152523/5-suspects-teachers-slay-arrested

šŸ“·: The Morning Lk

#Cavithink

#Amadeo