Mahigit 355,000 tourism workers na apektado ng pandemya sa bansa ang tatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang nasyonal.Nasa 67,347 na benepisyaryo mula Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal a ang makakatanggap ng P5,000 ayuda sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program na kabilang sa Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2).Aabot sa 6,817 benepisyaryo ang tatanggap ng ayuda sa Bulacan, 8,422 sa Cavite, 14,161 sa Laguna, 10,582 sa Rizal, at 27,365 sa Metro Manila.

Source: Inquirer

šŸ“· ABS-CBN News

#GoCavite