Tatlumpu’t dalawang katao ang iniulat na nasugatan matapos na mahulog sa ilog na may 20 metrong lalim ang sinasakyang mini bus galing sa outing sa Gov. Drive, Sapang 2 Bridge, bayan ng Ternate, dito noong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat ng Ternate Police, kabilang sa mga sugatan ang driver ng bus na si Oscar Mamatan Jr., 28, residente ng Pull 1, San Rafael, Noveleta, Cavite.

Sa imbestiga­syon ni P/SMS Alfredo Guevarra Jr., alas-5:55 ng hapon ­kamakalawa habang bumabagtas sa kahabaan ng ­Governors’ Drive, Sapang 2 Bridge sa nasabing bayan ang nasabing baby bus (DXE-277) na minamaneho ni Mamatan nang pumalya ang preno nito habang papauwi na sa Naic, Cavite galing sa isang outing sa Ternate. سيرجو راموس

Nagpagewang-gewang umano ang nasabing bus hanggang sa sumalpok sa concrete barrier ng kalsada sanhi upang tumagilid sa kaliwang bahagi nito at tulu­y-tuloy na nahulog sa tulay at nag-dive sa 20 talampakan ang lalim na ilog.

Ang ibang sakay ay tumilapon palabas ng bus habang ang iba ay naipit sa loob sanhi ng kanilang pagkasugat.

Ayon sa isang ­motorista na kasunod ng baby bus, nalagpasan pa nila ang nasabing sasakyan at kanilang napansin ang kakaibang amoy na nagmumula dito na tila amoy ng nasusunog na goma. العاب استراتيجية اون لاين

Agad sumaklolo ang mga residente at barangay officials sa lugar saka mabilis ding rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO at Bureau of Fire (BFP) ng Ternate saka isinugod sa San Lorenzo Hospital sa Naic at Cavite Municipal Hospital sa Maragondon ang mga sugatang pasahero. كأس العالم للكريكيت 2023

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2022/03/01/2164071/bus-nag-dive-sa-ilog-32-katao-sugatan-nanggaling-sa-outing

#Cavithink

#TernateCavite