Naaresto na ng kapulisan nitong Marso 3 ang dalawang suspek sa pagnanakaw sa isang businesswoman na nakatira sa Fatima Heights, Sampaloc 3 Dasmariñas Cavite.

Ayon sa pabatid sa pahina ni Congressman Pidi Barzaga, nanakawan ng alahas at pera ang biktima kamakailan lamang.

Batay sa naging ulat, dalawang lalaki ang biglang pumasok sa loob ng bahay ng biktima bandang 12:10 ng madaling araw at sinabing may delivery sila para sa businesswoman na hindi idinetalye ang pagkakakilanlan.

Matapos makapasok ay tinutukan agad ng baril ang kasambahay. Binalot ang kaniyang ulo ng packaging tape saka siya tinali sa loob ng banyo.

Sa naging imbestigasyon ay napag-alaman na si Darlin Alolor, na dating kasambahay ng businesswoman, ay kasabwat ng kaniyang live-in partner na si George Francia at isa pang suspek na si Christian Fernandez sa ginawang panloloob.

Sasampahan ngayon ng kasong robbery with violence against or intimidation of person defined and penalized under Article 295 of the Revised Penal Code of the Philippines ang mga nahuling suspek.

Source/Photo: Cong. Pidi Barzaga

#GoCavite #Cavite #Dasmarinas