Nadakip ng mga operatiba ang dalawang drug suspek mula sa Cavite sa isinagawang buy-bust operation sa Sto. Tomas, Batangas, nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 14.

Kinilala ang mga suspek na sina Marilou Santos, 37 taong gulang at Marcelo Manaog, 38 taong gulang na kapwa mga taga-Silang, Cavite.

Ayon sa Sto. Tomas City Police, nabisto ang mga suspek nang magbenta ang mga ito ng P2, 000 halaga ng shabu (crystal meth) sa isang undercover police officer sa Barangay Poblacion 4.

Nakuhanan ng limang plastic na sachets ng shabu si Santos, habang 6 na sachets naman ang kay Manaog. Bukod rito, kinuha rin ng operatiba ang kanilang ginamit na kotse para sa transaksyon. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

Source: Delfin T. Mallaro, Jr./INQUIRER.net & Go Cavite

📷: Wikiwand

#GoCavite #Cavithink

13Gab Cabasi and 12 others1 ShareLikeCommentShare