Nang dahil sa mainit na diskusyon na naganap sa kanilang usapan, patay ang 19 taong gulang na lalaki matapos barilin ng kaniyang kainuman sa Barangay San Juan 1, General Trias, Cavite, Biyernes, Hulyo 16. Dakong 1:45 ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Melchor y Sanchez Echenique na mula sa San Francisco Street ng General Trias habang ang suspek naman na si Jasper y Calig Minto ay mula sa Barangay San Juan 1, General Trias. Ayon sa ulat ng General Trias Cavite Police Station, bandang 4:30 AM nang makatanggap ang mga ito sa kanilang tanggapan ng tawag mula sa Divine Grace Hospital ukol sa nangyari.

Nagkaroon ng alitan ang dalawang lalaki at dahil sa sama ng loob, kinuha ng suspek ang kaniyang armas na nasa kaniyang sling bag at pinatay ang biktima. Matapos ang naganap na krimen, dinala rin ng suspek kasama ang kaniyang kaibigan ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang wala nang buhay habang isinasalba at ginagamot ito sa ospital.

Doon na naaresto ang suspek sa ospital habang narekober naman sa kaniya ang ginamit na baril ng suspek tulad ng isang yunit ng Daewoo cal. 9mm na mayroong serial number at magazine na mayroong laman na 4 na bala.

Source: General Trias Cavite Police Station, Cavite PNP & Go Cavite

šŸ“·: Allan Bergonia

#Cavithink

#GenTri