Patay ang menor de edad sa Lungsod ng Imus, Cavite sa Brgy. Alapan 1-B, matapos barilin ng kinakasama ng kanyang tiyahin dahil sa internet connection. 4 na tama ng bala sa dibdib ang ikinamatay ng 12 anyos na biktima.

Ayon kay Police Lt. Col. Gerald Dee, hepe ng Imus police, nag-ugat ang pamamaril sa inis umano ng suspek sa pagkaantala ng linya ng internet sa bahay nila. Sa paunang imbestigasyon ng pulis, naputol ang panonood ng suspek ng palabas na naka-stream sa TV.

Pinagalitan niya at inakusahan ang batang nakahugot umano ng internet connection. Nauwi ito sa pagtatalo nina Managan at ng kinakasamang tiyahin ng bata nang pumagitna siya.  Sa kainitan nito, bigla na lang pinagbabaril ng suspek ang biktima.

Dinala pa ang bata sa ospital pero namatay din kalaunan. 

Inaalam pa ng mga pulis kung may lisensya ang 9mm na baril ng biktima na bitbit niya nang tumakas. Ayon sa nakalap ng pulis, hindi nakainom ang suspek at wala ring naiulat na insidente sa bahay bago ang pangyayari.

Sinampahan na si Managan ng kasong murder Lunes. Patuloy pa siyang hinahanap ng mga awtoridad.

Samantala, iniuwi ang mga labi ng bata sa kanyang pamilya sa Tarlac para ipagluksa.

Source: Abs-Cbn News & GMA News

📸: Imus Police

#Cavithink

#ImusCityCavite