Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 11 anyos na batang lalaki, matapos itong araruhin umano ng isang van habang naglalakas sa Brgy. Paradahan 2 sa Tanza, Cavite, kahapon.

Nagkabali-bali ang katawan ng biktima na nakilalang si Armando Pascual Jr., residente ng Blk 14 Lot 14 Sec-13 Ph-1, Pabahay 2000, sa Brgy. Paradahan 2, Tanza, Cavite.

Arestado naman ang driver ng van na nakilalang si Loreto Yacat Jr., 38 anyos, residente ng Blk 7 Lot 22. regina Village 2000, sa Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon, alas 10:30 ng umaga nang maganap ang insidente, kung saan naglalakad ang biktima nang bigla na lamang itong araruhin ng NV350 van na may plate no. NAT 4136 na minamaneho umano ng suspek.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang biktima dahilan kung bakit nagkanda bali-bali ang ibang bahagi ng buto at maging ang kaniyang ulo.

Source: Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2021/12/04/2145582/11-anyos-inararo-ng-van-patay

šŸ“ø: Vaalweekblad

#Cavithink

#TanzaCavite