10 (Sampu) katao ang inaresto matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagsasagawa ng tupada o illegal na sabong kamakalawa sa Brgy. Santiago, Gen. Trias City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa P.D. 1602 o illegal gambling ang mga dinakip na sina John Christian Molina, Rolland Terrobias, Anicieto Carampot, Marvin Balleras, Albert Encabo, Danilo Bendal, Rolando David, Nhesdie Colos, Louise Pagkaliwangan at Homer Ojano, pawang residente ng Sitio Karampot sa naturang barangay.
Ayon sa ulat mula sa Cavite Police Office, alas-11:30 ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad ang nasabing lugar at naaktuhan ang mga suspek na nagtutupada.
Narekober sa raid ang mga perang ginamit sa sugal, mga manok na panabong, mga tari at tatlong patay na manok na ginamit panabong.
Source: Pilipino Star Ngayon
#Cavithink
#GenTrias